-- Advertisements --

Ipinagtanggol ng US Department of Homeland Security (DHS) ang pamamaril ng Immigration and Customs Enforcement (ICE) sa isang babae sa Minneapolis.

Ayon sa DHS na dumepensa lamang ang ICE officer dahil sa tinangka silang sagasaan umano ng isang babae.

Ikinagalit naman ni Minneapolis Mayor Jacob Frey ang pangyayari kung saan sinadya ng mga ICE officers na barilin ang 37-anyos na babae.

Napanood nito ang video na walang pagtatangka sa buhay ng mga ICE officers at bigla na lamang umano nilang binaril ang biktima.

Tiniyak naman nito na magsasagawa sila ng imbestigasyon at papanagutin ang mga namaril na ICE officers.

Magugunitang nagsagawa ng immigration crackdown ang mga otoridad sa Minneapolis kung saan nagpakalat sila ng mahigit 2,000 federal agents.