Taliban palace afghanistan 1
-- Advertisements --

Ipinag-utos ni British Defence Secretary Ben Wallace ang agarang imbestigasyon matapos na malabag ang data privacy ng nasa mahigit 250 Afghan interpreters na dating naninilbihan sa UK military forces.

Inamin ng Ministry of Defence (MoD) na nagkaroon ng leak sa mga impormasyon hinggil sa email address ng mga Afghan interpreters na humihiling ng relocation sa UK at humingi ng paumanhin sa nagawang paglabag at sinigurong hindi na ito mauulit pa.

Ayon sa MoD na mahigit 250 Afghans ang nag-a-apply sa UK sa pamamagitan ng Afghans Relocations and Assistance Policy (Arap) scheme na tumutulong sa mga Afghans na nananatili pa rin sa Taliban controlled country kung saan aksidenteng nakopya ang kanilang mga detalye gaya na lamang ng kanilang profile pictures, contact details sa email ng Ministry of Defence.

Karamihan sa mga ito ay nasa Afghanistan pa habang ang iba naman ay tumakas at kasalukuyang nagtatago mula sa Taliban.