-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Patay ang isang batang babae habang sugatan naman ang 4 na iba pa matapos madaganan ng delivery truck ang isang mini-mart sa pakurbadang daan sa Diversion Road, Brgy. Mambog, Banga, Aklan.

Mula sa siyudad ng Iloilo, ihahatid sana ng truck sa bayan ng Ibajay, Aklan ang kargang halos 700 sako ng abono nang pumalya ang preno dahilan na bumagsak ito sa naturang tindahan.

Agad na nakalabas ang driver at pahinante ng truck na bahagyang nasugatan.

Isinugod ang tatlo sa mga biktima sa Aklan Provincial Hospital na pawang nagtamo ng slight injuries, ngunit patay na nang makarating ang bata na kinilalag si Remy Villar, residente ng naturang lugar sa isang pribadong ospital na nadaganan ng mga bumagsak na sako ng abono.

-- Advertisement --

Kinilala ang truck driver na si Jonafel Berbal, 40, ng Pototan, iloilo.

Sinasabing accident-prone ang pinangyarihan ng aksidente.

Sa kustodiya ng Banga Police Station ang driver ng truck na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and serious physical injuries at damage to properties.