LEGAZPI CITY – Walang tigil ang patrabaho ng Estados Unidos sa mga military projects sa gitna ng coronavirus pandemic.
Hindi tulad ng mga nasa ibang sektor at ahensya ng gobyerno na sarado sa ngayon, nasa kategoryang “essentials” ang mga military projects.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Engr. Rey Retumban, Filipino resident sa Guam at tubong Polangui, Albay, kasama ang pribadong kompaniya na pinagtatrabahunan nito sa mga hindi kasabay sa mga saradong establisyemento ngayon.
Tuloy-tuloy naman aniya ang quality control projects na nakakontrata sa federal government ng Estados Unidos.
Nasa loob ng Air Force base sa Guam ang trabaho ng kompanya ni Retumban na hindi lusot sa istriktong polisiya pagdating sa pag-iwas sa COVID-19.
Bago makapasok sa base, tinitingnan muna kung kumpleto sa mga protective equipment ang mga trabahante.
Nagsasagawa naman ng tracing sa mga pinuntuhan ng indibidwal bago makapasok sa base.