MILF fORCES 3
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa engkwentro ng mga terorista sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Adam Abe,tauhan ng MILF Task Force Itihad.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Donald Madamba na nagresponde ang MILF sa Barangay Damabalas Talayan Maguindanao dahil sa panghaharas ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-ISIS Inspired Group) sa mga sibilyan.

Agad na nagpaputok ang mga terorista sa mga tauhan ng MILF Task Force Itihad kaya sumiklab ang matinding palitan ng bala sa magkabilang panig.

Umatras ang BIFF na matunugan nila ang paparating na tropa ng militar at pulisya.

-- Advertisement --

Naisugod pa si Abe sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City ngunit binawian rin ito ng buhay.

Tatlo naman ang napaulat na malubhang nasugatan sa BIFF na dinala ng kanilang mga kasamahan sa pagtakas.

Ang hakbang ng MILF laban sa BIFF ay kasama sa mga napagkasunduan sa nabuong Bangsamoro Region sa pagitan ng gobyerno.

Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng Joint Task Force Central ang BIFF sa bayan ng Talayan Maguindanao.