Nagpasiyang umurong si dating Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee saa nalalapit sanang laban nito sa Miss Grand International All Stars matapos sumailalim sa isang appendectomy.
Sa opisyal na pahayag na inilabas ni Dee online, kinumpirma nito ang kaniyang pag-atras para ilaan ang kaniyang oras sa pagpapagaling mula sa operasyon.
Kasunod ito nang maiulat na isinugod sa ospital ang dating pambato ng Miss Universe nitong Nobyembre 9 matapos makaramdam ng matinding kirot sa kaniyang tiyan kung saan agad siyang sumailalim sa isang emergency appendectomy.
Inabisuhan din si Dee ng kaniyang medical team na sundin ang kaniyang recovery timeline at pinayuhang umiwas muna sa mga pangmatagalang pisikal na aktibidad at lubos na pagbabanat ng katawan para maisawan ang mga komplikasyon habang siya’y nagpapagaling.
Tanggap naman ng beaty queen ang pangangailangan nitong hinayan ang kaniyang mga kaganapan.
“Kilala niyo naman ako. Dapat buo, hindi kalahati ang mga laban sa buhay,” saad ni Dee.














