-- Advertisements --

Tumaas ang presyo ng mga memorabilla ni NBA star Michael Jordan na ibinebenta sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Ang nasabing pagtaas ay matapos ang matagumpay na pagpapalabas ng kaniyang documentary na “The Last Dance”.

Sinabi ng isang kolektor na si Jordan Geller na tumityempo lamang ang kagaya niyang collector na ibenta ang mga memorabilla ng Chicago Bulls star.

Isa sa ibinebenta nito ay ang kauna-unahang sapatos ng Bulls star na isinuot nito sa unang pagsabak niya sa NBA.

Inaasahan kasi na maibebenta sa katapusan ng Mayo ang sapatos ng kalahating milyong dolyar.

Maging ang mga kagamitan na mayroong tatak na Chicago Bulls ay tumaas ang presyo ng hanggang 400%.