-- Advertisements --

Nabiktima ng ‘death hoax’ ang beteranong actor na si Michael De Mesa.

Lumabas sa social media na pumanaw na umano ang actor nitong Setyembre 30 ng hapon.

Sa kaniyang social media account ay agad na humingi ng tulong ang 65-anyos na actor sa mga fans na ireport ang account ng nagpakalat na balita.

Giit nito na labis siyang nalulungkot sa mga paglaganap ng mga fake news ngayon.

Bilang patunay ay nagpost ito ng larawan kasama ang asawang si Julie Eigenmann at mga kaibigan.