-- Advertisements --

Tinambakan ng Miami Heat ang Oklahoma City Thunder, 118-90.

Ginamit ng Heat ang 20-0 rally sa 3rd quarter na naging daan upang ilampaso ang Thunder.

Kelly Olynyk

Sorpresang bumandera sa diskarte ng Miami si Kelly Olynyk na may limang 3-pointers para sa kabuuang 19 points.

Si Bam Adebayo ay nagdagdag din ng 20 points na 9-for-10 shooting at si Jimmy Butler ay nagtapos sa 18 points para sa kanilang tatlong panalo at tatlong talo.

Ang Thunder ay nasadlak na sa apat ang talo sa anim na laro.

Si Shai Gilgeous-Alexander ay nag-ambag ng 18 points para sa koponan.

Ang next game ng Thunder ay bibisita sa New Orleans sa Huwebes.

Ang Heat naman ay makikipagtuos sa Boston, na mistulang rematch ng 2020 Eastern Conference finals.