Muling nagpakitang gilas si Jimmy Butler upang pangunahan ang ikaapat na sunod na panalo laban sa Toronto Raptors, 116-108.

Nagtala si Butler ng 27 big points, 10 assists at eight rebounds sa kanyang all-around game.

Heat Jimmy Butler
Miami’s life saver, Jimmy Butler (photo from @MiamiHEAT)

Sa 4th quarter lamang ay 14 puntos na ang nagawa ni Butler, at meron din siyang tatlong 3-pointers, dalawa sa mga ito ay kanyang nagawa sa huling minuto.

Kumayod din naman ng husto sina Bam Adebayo na nagpakita ng 19 points at 12 rebounds, Duncan Robinson na may 17 points at ang nagbabalik na si Goran Dragic na umiskor ng 15 na kagagaling lamang sa ankle injury.

Ito na ang ika-walong panalo ng Heat sa huling 11 laro.

-- Advertisement --

Sa kabilang dako, ang nagbabalik din na si Kyle Lowry mula sa thumb injury, ay nagtapos sa 24 points.

Gayundin si Fred VanVleet, habang sina Norman Powell ay may 17 at si OG Anunoby naman ay nag-ambag ng 14 para sa Toronto.

Ang next game ng Raptors ay host sila laban sa Houston sa Sabado.

Ang Heat naman ay haharapin ang Utah.