-- Advertisements --

Muli na namang nagwagi ang Miami Heat at sa pagkakataong ito ay laban sa Houston Rockets.

Kahit hindi naglaro ang tatlo nilang mga top scorers na sina Jimmy Butler, Bam Adebayo at Tyler Herro, inilampaso pa rin ng Miami ang Rockets, 113-91.

Naghahabol ang Miami bilang number 4 sa mga teams sa Eastern Conference.

Bumida sa panalo ng Miami sina Kendrick Nunn na may season-high na 30 points at sina Duncan Robinson at Goran Dragic na kapwa merong tig-19 points.

Umeksena rin naman si Andre Iguodala para sa Miami (30-28) nang magtapos sa 16 points.

Sa malas ng naman ng Rockets (15-43), ito na ang kanilang ika-33 pagkatalo sa huling 37 games.

Parehong may tig-18 points sina Kevin Porter Jr. at Christian Wood habang si John Wall ay nagkasya sa 14.

Agaw pansin naman ang laro ni Rockets forward Kelly Olynyk, na una niyang game sa Miami mula nang ma-trade kapalit ni Victor Oladipo kung saan nagtapos ito sa 10 points kasabay ng 30th birthday.