-- Advertisements --
Ibinilang ng Miami Heat sa kanilang biktima ang Atlanta Hawks makaraang ilampaso sa iskor na 115-91.
Ito na ang ikaapat na panalo ng Heat mula sa kanilang huling pitong mga laro para iposte ang 26-15 record.
Nanguna sa diskarte ng Miami si Tyler Herro na may kabuuang 21 points at 11 assists, na sinigundahan naman ni Caleb Martin na nag-ambag ng 18 points.
Ito ay sa kabila na anim na mga Heat players ang hindi nakalaro bunsod ng injuries at iba pa.
Sa kampo ng Atlanta (7-23), angat sa puntos si John Collins na may 16 at Trae Young ay nagkasya sa 15.