-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nakatakdang magtipon ang mga negosyante ng electronic cigarettes o vapes sa buong bansa kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na hulihin ang mga taong gagamit ng kanilang produkto sa public places.

Ayon sa Butuanon vape distributor na si Vincent Taboranza, ikinagulat nila ang nasabing kautusan lalo na’t hindi naman sila nag-iingay sa kanilang pagtitinda.

Nilinaw ni Taboranza na ang tinutumbok ng pangulo na babaeng namatay dahil sa vape ay matagal nang may sakit, na lumala lamang sa paglipas ng panahon at naiugnay lang sa paggamit nito ng e-cigarettes.

Dagdag pa ni Taboranza, sinusunod nila ang rules and regulations ukol sa pagtitinda ng mga e-cigarettes lalo na ang hindi pagbibigay nito sa mga bibiling menor de edad.

Naniniwala siyang isa sa mga nag-udyok sa pangulo upang ipalabas ang vape ban ay ang nakikitang mga menor de edad na gumagamit nito sa mga pampublikong lugar.