-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Mismo ang kasamahan na mga sundalo ang nakakita kung paano pinatay ng mga pulis ang apat ang dalawa nila na opisyal at enlisted personnel habang nagkasagawa ng intelligence work laban sa suicide bombers na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Jolo,Sulu.

Ito ay matapos hinarang ng Jolo Municipal Station ang pribadong sasakyan ng mga sundalo at pinagpaliwanag kung bakit sila napunta sa lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni AFP Western Mindanao Command spokesperson Maj Arvin Encinas na maliban sa mga sibilyan at CCTV videos sa crime scene, kitang-kita umano ng mga kasamahan ni Maj Marvin Indamog kung paano siya tina-trato ng mga pulis.

Inihayag ni Encinas na salungat sa unang pahayag ng PNP na misencounter, hindi umano ang totoo na nangyari sa ground.

Bumaba umano si Indamog upang kausapin ang mga pulis subalit mayroong biglang bumaril sa kanya at maging kina Capt. Irwin Managuelod, Sgt. Eric Velasco at Cpl. Abdal Asula kahit nasa loob pa sila ng sasakyan.

Ito ang dahilan na humingi sila ng tulong sa National Bureau of Investigation para maging patas ang imbistigasyon at malaman ng publiko kung sino ang dapat managot sa batas.

Kabilang sa mga pulis na pinaiimbestigahan ng AFP ay sina PSSg Almudzrin Hadjaruddin;Pat Alkajal Mandangan;Pat Rajiv Putalan;PSMS Abdelzhimar Padjiri;PMSg Hanie Baddiri;PSSg Iskandar Susulan;PSSg Ernisar Sappal;PCpl Sulki Andaki at Pat Moh. Nur Pasani.