Papayagan na makalabas ng kanilang bahay ang mga residente ng Metro Manila na magpapabakuna kontra COVID-19 sa kasagsagan ng enhanced community quarantine simula Agosto 6 hanggang 20.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, bukod sa mga essential workers ay ikokonsidera rin bilang authorized persons outside their residence (APOR) ang mga magpapabakuna kontra COVID-19.
Ang hihilingin lamang aniya kapag maharang sa mga checkpoints ay ang vaccination card o ang text o notice mula sa local government unit na sila ay naka-schedule para magpabakuna.
Samantala, papayagan ding makapasok at makalabas sa National Capital Region ang mga cargo delivery vehicles.
Ang iba namang mga sasakyan ay subject sa mga checkpoints na nakalatag ngayon.
















