-- Advertisements --

Nanindigan inosente ang online media network personality na si Franco Mabanta sa kabila nang maaresto ng National Bureau of Investigation nitong isang araw.

Sa maikling pahayag matapos ang isinagawang pulong balitaan ng kawanihan, kanyang sinabi na sila’y inosente at walang katotohanan ang patungkol sa alegasyon kinakaharap.

Batay kasi sa ahensiya, nangikil umano si Mabanta kay former House of Representatives Speaker Martin Romualdez upang hindi nila isapubliko ang video naglalaman ng impormasyon ikasisira nito.

Subalit iginiit at pinabulaanan ni Franco Mabanta ang patungkol rito partikular sa pananakot sa mambabatas para makapangikil ng pera.

Aniya’y walang extortion nangyari at ang ebidensyang kasalukuyang iprenesenta sa publiko ay nagpapakita lamang raw ng iisang panig ng kwento.

Bagkus kanyang itinuro si Leyte 1st District Rep. Romualdez bilang nasa likod ng pangyayari sa layon na patahimikin umano sila.

Ayon naman kay NBI Dir. Matibag, patuloy ang kanilang pagsasagawa pa ng imbestigasyon habang kakasuhan naman na muna aniya ang mga naarestong indibidwal.

Posibleng maharap sa kasong Robbery (Extortion) may kaugnayan sa paglabag ng Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ito’y sa kadahilanang pagtanggap sa marked money ng NBI parte sa kahilingan aabot ng 300-milyon piso bilang kabayaran kapalit sa hindi pagsasapubliko ng video laban kay Cong. Romualdez.

Tumanggi naman ang hepe ng kawanihan na ipaliwanag sa kung papaano lumapit ang mambabatas sa kanilang tanggapan upang isumbong ang kaso ng pangingikil.

Pati patungkol sa naturang ‘video expose’ ay hindi na rin idinetalye ng direktor sapagkat iginiina pokus nila’y nakatuon sa mismong akto o krimen pangingikil.