-- Advertisements --

Bukas para kay House Committee on Public Accounts Chair Terry Ridon ang naging desisyon ng Quezon City Regional Trial Court na ibasura ang petisyon ni Atty Manases “Mans” Carpio na pumipigil sana sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Ridon, tama lamang na ibinasura ng korte ang petisyon dahil wala umano itong sapat na legal na batayan at naging hadlang lamang sa proseso ng pananagutan ng isang mataas na opisyal ng gobyerno. Dagdag niya, ang impeachment ay isang constitutional process na hindi dapat pigilan ng mga ganitong kaso.

Iginiit din ng mambabatas na ang income tax returns (ITRs) at iba pang kaugnay na financial records ay maaaring ituring na public documents kapag bahagi ito ng impeachment at iba pang constitutional proceedings. Para sa kanya, hindi na ito saklaw ng privacy kapag ginagamit sa imbestigasyon ng Kamara.

Sa desisyon ng QC RTC Branch 81 na inilabas noong Mayo 6, 2026, ibinasura ang petition for prohibition ni Carpio at tinanggihan ang hiling na maglabas ng writ of preliminary injunction dahil sa kakulangan ng hurisdiksyon ng korte sa usapin.

Dahil dito, sinabi ni Ridon na mas dapat nang ituon ang atensyon sa nakatakdang botohan sa plenaryo ng Kamara sa Lunes, na inaasahang magiging decisive sa pag-usad ng impeachment case laban sa Bise Presidente. (report by Bombo Jai)