CENTRAL MINDANAO-Naghahanda na ngayon ang pamilya ni Corporal Reynel Matundin na residente ng Barangay Katidtuan Kabacan Cotabato na kasama sa mga nasawi sa pagbagsak ng C-130 Cargo plane sa patikul Sulu.
Nagluluksa ang kanyang pamilya sa hindi inaasahang pagkasawi ni Cpl Matundin.
Agad na nagpaabot ng pakikiramay si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr sa pamilya ni Matundin.
“Sa kabila ng ating pagluluksa, dapat din tayong magpasalamat na nagkaroon tayo ng isang kababayan na nag serbisyo ng tapat sa Philippine Army”.
Si Corporal Reynel Matundin ay labing-isang taon na sa Philippine Army.
Siya ay kabilang sa mga tauhan ng 7th Infanty Battalion sa Central Mindanao na malilipat sana isang civil-military relations team sa ilalim ng 11th Infantry Division sa probinsya ng Sulu.
Si Corporal Matundin ay umalis ng Kabacan noong nakalipas na linggo upang magtungo sa Cagayan de Oro City kung saan siya sasakay ng C-130 patungo sa Jolo, Sulu.
Huli niyang nakausap ang kanyang kabiyak sa cellphone bago ito lumisan ng Cagayan de Oro City sakay ng C-130 na bumagsak sa Barangay Bangcal sa Patikul, Sulu.