CENTRAL MINDANAO-Tukoy na ang mga suspek na namaril patay sa isang pulis sa syudad ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Patrolman Frankin Moyet ng PNP City Mobile Force Company na nakatalaga sa Cotabato City.

Itinurong mga suspek sina Esmail Inalugan alyas Mael at mga kasamahan nito na sinampahan ng kasong murder sa City Prosecutors Office.

Ang kaso ay nasa ilalim ng sala ni Prosecutor Sittie Mariam Zacaria at ito ay docketed bilang INV-2019-E-03331 na may petsang May 20, 2019.

Matatandaan na noong May 2, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo sa De Mazenod Street Barangay Rosary Heights 4 Cotabato City ng itoy pgbabarilin ng mga suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Patay on the spot ang pulis na tinamaan sa kanyang ulo at likod ng kanyang katawan.

Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang mga suspek na namaril patay sa biktima.