-- Advertisements --

ILOILO CITY – Iginiit ng Private Hospital Association-Western Visayas Chapter na hindi na nila papalawigin pa ang palugit na ibinigay sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kaugnay pa rin sa isyu ng utang.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Elmer Pedregosa, presidente ng nasabing asosasyon, sinabi nito na tiniyak ng state insurer na papabilisin ang pagbayad ng unpaid claims sa mga private claims sa Western Visayas.

Ayon kay Pedregosa, nagtalaga ang Philhealth ng mga coordinator at evaluators upang mapabilis ang pagproseso sa claims na umaabot sa mahigit P1 billion.

Napagkasunduan aniya nila ng Philhealth na bayaran nito ang 80% na unpaid claims sa private hospitals sa Iloilo City hanggang sa darating na Enero 31.