Lumobo pa sa 5,355 ang mga kumpirmadong Pilipino sa ibayong dagat na nahawaan ng COVID-19.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa nasabing bilang, 2,788 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Pumalo naman sa 2,210 ang overseas Filipinos na gumaling sa virus o na-discharge na sa pagamutan.

Samantala, umakyat naman sa 357 ang bilang ng Pinoy abroad na binawian ng buhay dahil sa coronavirus.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na overseas Filipinos sa bahagi ng Middle East/Africa na may 3,346 na kaso.

Sumunod ang Europa na may 834 confirmed COVID-19 positive cases na mga Pinoy.

Nasa 657 naman ang kaso sa Americas, samantalang 518 sa Asia Pacific Region.