Oobligahin na sumailalim sa 14-day self-quaranting ang mga Pilipinong manggagaling mula China, Hong Kong, at Macau, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA).
Sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal, sinabihan siya ng Bureau of Quarantine na ang mga paparating na mga Pilipino ay hindi dadalhin sa isang pasilidad para sa required quarantine pero sa halip ay imo-monitor ng mga awtoridad mula sa kani-kanilang mga bahay.
Una rito, naglabas ng mga direktiba ang Malacanang para sa containment ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD) outbreak.
Kabilang na rito ang direktiba na magkaroon ng pansamantalang entry ban sa sinumang indibidwal, anuman ang nationality nito, maliban na lamang sa mga Pilipino at holders ng Permanent Resident Visa, na manggagaling mula China at special administrative regions nito.
Ipinag-utos din ng Malacanang ang temporary ban sa mga biyahero, maliban na lamang sa mga Pilipino, na pumunta ng China o spcial administrative regions nito sa nakalipas na 14 na araw bago dumating ng Pilipinas.