Posibleng madagdagan pa ang mga magtutungo sa Supreme Court (SC) para maghain ng petisyon para kuwestiyonin ang ligalidad ng Anti Terror Act of 2020.
Unang dumating para personal na maghain ng kanilang petisyon ang grupo ng mga abogado na pinangungunahan ni Atty. Howard Calleja at Bro Armin Luistro mula sa De La Salle Brothers.
Una nang naghain ang grupo ng petisyon noong Sabado via electronic filing at na-acknowledge na ito.
Kasama ng mga ito ang kapwa nila petitioners na si La Salle law student government president Rae Reposar at Atty. Chris Lao at Joseph Peter Calleja.
Base sa Petition for Certiorari and Prohibition na inihain ng grupo ng mga abogado, humihirit sila sa Korte Suprema na magpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) at Writ of Preliminary Injunction upang mapigilan ang nakatakdang pagpapatupad ng batas sa July 19.
Humiling din ang petitioner na ipawalang bisa ang hindi bababa sa 10 section ng Anti-Terrorism Act.
Paliwanag nila, mayroong probisyon na taliwas at magiging paglabag sa karapantang-pantao sa ilalim 1987 Constitition.
Sumunod namang naghain ng petisyon ang grupo ni Rep. Edcel Lagman para kuwestiyonin ang ligalidad ng Anti-terror Act.
Naghain din ang kampo nito ng petition for certiorari ang prohibition at TRO para hindi muna ito ipatupad at i-nullify ang buong Anti Terror Act.
Pangatlong naghain ng petisyon si Far Eastern University (FEU) Law Dean Mel Sta. Maria kasama ang mga law professors.
Kinikuwestiyon ng mga ito ang Sec. 25 at 29 ng batas o ang warrantless arrest maging ang paglabag daw sa academic freedom.
Kani-kanina lamang ay naghain din ng petisyon ang Makabayan bloc na pinangunahan nina dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, Rep. Carlos Zarate at ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio.
Mariing tinututulan ng grupo ang naturang batas lalo na yung warrantless arrest na ang inaresto ay puwedeng makulong ng ilang araw kahit ito ay pinaghinalaan lamang.