-- Advertisements --

Nanumpa na kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Eduardo Oban Jr. bilang bagong National Security Adviser.

Papalitan ni Oban si dating NSA Eduardo Año na nagretiro na sa serbisyo publiko dahil sa health reasons.

Ayon sa Presidential Communications Office, ang pag-upo ni Oban sa posisyon ay nagpapatibay sa layunin ng administrasyon na palakasin ang pambansang seguridad, pagpaplano sa depensa, at koordinasyon ng mga ahensya upang makamit ang isang malaya, mapayapa, at matatag na Pilipinas.

Inaasahang pangungunahan ni Oban ang mga prayoridad sa national security at titiyak sa pagpapatuloy ng mga hakbang ng pamahalaan para
mapanatiling ligtas ang bansa.

Bago ang kaniyang pagkakatalaga, nagtapos so Oban sa Philippine Military Academy Class of 1979 at may malawak na karanasan sa military operations, defense planning, at national security.

Nagsilbi rin siya sa Philippine Air Force bilang Deputy Chief of Staff for Plans o J5 at naging pinuno ng Visiting Forces Agreement Commission.