ATLANTA -Nagdulot ng panic ang sinasabing “accidental discharge” ng armas sa security area ng Atlanta Airport.
Pero base sa tweet ng naturang paliparan, wala raw aktibong shooter pero kita sa loob ng paliparan ang pagtakbuhan ng ilang mga pasahero.
Gayunman, agad namang pinawi ng pamunuan ng paliparan ang pangamba ng publiko dahil wala raw panganib sa panig ng mga pasahero at mga employees.
Sa ngayon, nagpapatuloy na raw ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.
“There is not an active shooter. There was an accidental discharge at the Airport. There is no danger to passengers or employees. An investigation is ongoing, more information will be published on this channel,” base sa tweet ng airport.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang discharge ng baril ay naganap sa screening area ng paliparan.