CENTRAL MINDANAO-Narekober ng mga tauhan ng Joint Task Force Central (JTFC) ang mga pampasabog o Anti-Personnel Mine (APM) sa probinsya ng Cotabato.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Commander Major/General Juvymax Uy na habang nagsasagawa ng security patrol ang mga tauhan ng 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion Philippine Army sa Sitio Dasulong Barangay Ginatilan Pikit North Cotabato ay natuklasan nila ang mga pampasabog.
Makalipas lamang ang isa at kalahating oras ay isa pang APM ang natagpuan ng CAFGU Active Auxiliary (CAA) walong metro ang layo mula sa lugar.
Ang mga natangpuang APM ay kinabibilangan ng isang round ng 60mm Mortar, isang round ng 81mm Mortar, dalawang Command operated remote control, dalawang 9 volts eveready battery at samu’t-saring electric wires.
Matagumpay na na-disrupt o pinasabog ng 35th Explosive Ordnance Disposal EOD Team ng Philippine Army ang mga eksplosibo.
Pinuri naman ni MGen Uy ang 90th IB at Mga Cafgu sa pagiging alerto nito at na hadlangan ang masamang plano ng mga Armed Lawless Groups.