Temporaryong pagbabawalan ang mga pagpupulong at ang picnics sa Luneta Parks bilang bahagi ng pagpigil ng pagkalat ng COVID-19.

luneta2

Isa kasi ang Luneta Park na dinarayo ng mga tao sa araw ng Pasko kung saan taon-taon ay ilang libong mga katao ang nagpupunta sa lugar para doon ipagdiwang ang kapaskuhan.

Dahil sa nararanasang pandemya ay magpapatupad ang park administrations ng paghihigpit gaya ng dapat ay mag-fill out ng health declaration form, pagsusuot ng face masks, face shields at dapat obserbahan ang physical distancing habang nasa park.

Magpapakalat din ng kapulisan sa lugar para matiyak na nasusunod ang minimum health protocols.