Patuloy pa ring dinadayo ang inilagay na 3,000 solar lights sa Luneta Park.
Ang nasabing solar light ay pinamunuan ng Liter of Light founder Illac Diaz na pansamantala lamang nilang inilagay ang solar lights sa Luneta Park mula noong paggunita ng 157th birth anniversary ni Andres Bonifacio at ito ay huling makikita hanggang Sabado ng gabi.
Makikita na ang nasabing mga solar lights ay inilagay na hugis watawat ng bansa bilang pagbibigay pugay sa mga Filipino na nagsilbing frontliners ngayong COVID-19 pandemic.
Bawat pangalan ng mga frontliners ay nakasulat sa bawat bote ng solar lights.
Bukod sa mga ordinaryong tao ay pati mga artista at singers ang namangha sa nasabing paglalagay ng solar lights.
Isa dito ay ang singer na si Gary Valenciano kung saan sa kaniyang social media ay ibinihagi niya ang kaniyang pagkamangha sa nasabing mga ilaw.
Nakatakda namang ipamigay ni Diaz sa mga mamamayan na hindi pa nagkakaroon ng suplay ng kuryente.