-- Advertisements --

Binuksan na rin ang sikat na Rizal Park o Luneta sa Maynila para sa mga bisita sa pagitan ng edad 18-anyos hanggang 65-anyos lalo na sa mag-eehersisyo.

Bubuksan ang parke mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga lamang.

Nilinaw ng DOT papayagan lamang ang maximum capacity na 500.

Maging ang Fort Santiago, Plaza San Luis at Baluarte de San Diego sa Intramuros, Maynila ay bubuksan na rin sa publiko simula nitong Setyembre 16 kasabay ng pagsasailalim sa Metro Manila sa Alert Level 4.