-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nasa code white alert na ang mga pribado at pampublikong pagamutan sa probinsya ng bagong taon.

handa na ang mga pagamutan para sa mga pasyente lalo na sa mga mabibiktima ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ang code white alert ay hindi pinayagan na lumiban ang mga empleyado at doktor sa ospital, lalo na ang mga nakatalaga sa emergency rooms at lahat ng hospital personnel sa buong bansa ay nakaantabay para sa deployment at augmentation kung kakailanganin.

Inaasahan ng DOH na posibleng bababa ang bilang ng mga biktima ng firecrackers related incident dahil sa pagpapalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kautusang sa pagbabawal sa mga malalakas na uri ng paputok.

Nanawagan naman si Integrated Provincial Health Office (IPHO) Chief, Dra Eva Rabaya sa mamamayan sa pagsalubong ng Bagong Taon na wag magpaputok ng baril at firecrackes para hindi madisgrasya.

Dapat mag-ingat laban sa mga karamdaman tulad ng respiratory infections na maaaring makuha ngayong holiday season lalo na ang mga paputok.