-- Advertisements --
Halos magkakasabay ang mga kumpanya ng langis na nagpatupad ng dagdag bawas ng kanilang mga produkto.
Mayroong P1.40 ang idinagdag sa kada litro ng gasolina.
Habang ang mayroong P0.50 naman sa bawat litro ng diesel ang ibinawas.
Nagbawas din ang kerosene ng P0.35 ng kada litro.
Naunang magpatupad ang Caltex kaninang alas-12:01 ng madaling araw habang ang Petro Gazz, Unioil, Jetti Fuel, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, Shell at SeaOil ay kaninang alas-6:00 ng umaga.
Mamayang alas-4:01 ng hapon naman magpapatupad ng adjustment ang Cleanfuel.