Nag-ambagan ang mga NBA star at mga koponan para mapunan ang sahod ng ilang mga emplyeado ng iba’t-ibang basketball arena matapos na itigil ang mga laro dahil sa banta ng coronavirus diseases.

Ilan sa mga ito ay si Milwaukee Bucks star at reigning NBA MVP Giannis Antetokounmpo na nagbigay ng $100,000 para sa Fiserv Forum staff.

Sasagutin naman ni New Orleans Pelicans rookie Zion Williamson na babayaran niya ang mga sahod ng Smoothie King Center sa susunod na buwan.

Nauna nang gumawa ng parehas na hakbang sina Dallas Mavericks president Mark Cuban at Cleveland Cavaliers star Kevin Love para mapunan ang sahod ng mga empleyado ng mga iba’t ibang playing courts.