-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Justice (DoJ) na hindi sapat na batayan ang inilabas na listahan ng Anti-Terrorism Council (ATC) para arestuhin ang mga tinukoy na terorista.

Ayon kay Justice Undersecretary Adrian Ferdinand Sugay, ang hakbang na paglalabas ng listahan ay upang maagapan lamang at hindi na magamit ang assets ng mga personalidad na ito, sa tulong ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Ang imbestigasyon ng AMLC ay tatagal ng 20 araw.

Hinala kasi ng mga otoridad, ang mga nakatala sa listahan ay tumatanggap ng pondo para magamit sa terror activities.

Paliwanag ng opisyal, maaari lamang arestuhin ang mga hinihinalang terorista kung maaktuhan ang mga ito o masampahan ng kaso ukol sa paglabag sa Anti-Terror Act.