Reading Time: 1 minute

Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) na mga break away group ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang nasa likod ng mga serye ng pagsabog sa Central Mindanao noong araw ng halalan.

Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson PCol. Bernard Banac.

Sinabi ni Banac na kanila ng iniimbestigahan ang ulat na ilang miyembro ng MILF ang nasa likod ng mga pagsabog.

Pagbibigay diin ni Banac na sa ngayon kasi wala pang ebidensiya na nagtuturo dito.

Samantala, ayon naman kay 6th Infantry Division Commander MGen. Cirilito Sobejana na hindi mga BIFF ang nasa likod ng mga serye ng pagsabog kundi mga private armed groups ng ilang mga pulitiko.

Sinabi ni Sobejana, layon ng mga ito na takutin lamang ang mga botante.

Bagamat may mga naitalang insidente sa Central Mindanao, mapayapa at matagumpay ang katatapos na halalan.