-- Advertisements --

Posibleng sa susunod na linggo ay maiproklama na ang mga nanalong senador.

Ayon kay Comelec Spokesman Atty. Rex Laudiangco,mas maaga ang magiging proklamasyon sa mga nanalong senador kaysa sa party-list groups.

Ito ay dahil may formula aniya sa pag-compute sa total votes na makukuha ng bawat party-list, alinsunod sa Party-list Act.

Alinsunod sa batas, 63 seats ang nakalaan sa Kongreso para sa party-list groups.

Ayon pa sa Comelec, magiging proportionate ang pamamahagi ng seats para sa party-list groups.

Samantala, Nilinaw naman ng poll body na magiging limitado lamang ang papayagan nila na maaaring isama ng mga ipo-proklamang senador para matiyak na masusunod ang minimum public health protocols.