Plano ni Senate Finance Committee Chair Sherwin Gatchalian na habulin ang mga indibidwal na umano’y responsable sa pagpapanukala sa mga proyektong kahina-hinala, sa ilalim ng 2026 budget.
Ito ay kasunod ng aniya’y sunod-sunod na natuklasang proyekto na pawang nauulit habang ang iba ay mga ghost project o walang matunton na actual na proyekto.
Inihalimbawa ng kalihim ang ilang proyekto na mayroon nang inisyal na pondo nitong nakalipas na mga taon ngunit walang actual project coordinates o hindi rin matunton.
Sa ngayon, kailangan lamang aniyang linisin ang pondo upang maihabol ito bago ang bicameral conference committee.
Ayon kay Gatchalian, dapat masigurong malinis ang national budget upang tiyak na mararamdaman ng publiko ang mga proyektong nakapaloob dito.
Kapag nakumpleto ito, aaralin na aniya ng kaniyang team kung paano hahabulin ang mga responsable sa mga maanomalyang proyekto.
















