-- Advertisements --

Iginiit ni Rep. Zia Alonto Adiong na pinawalang bisa ng mga pagbubunyag ni Sen. Ping Lacson ang mga naunang paratang ni dating Rep. Zaldy Co na naghatid ito ng pira kay Pangulong Marcos Jr. at dating Speaker Romualdez.

Punto ni Adiong, batay sa mg binitawang salaysay ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo, lumalabas na tanging si Co ang may hawak ng ₱52 bilyon mula sa mga naging kickbacks sa ₱100 bilyong insertions sa 2025 budget.

Sa expose ni Lacson, binanggit nito ang pangalan ni dating DPWH Sec. Manuel Bonoan na tumanggap ng natitirang ₱19 bilyon taliwas sa mga naunang pahayag ni Co.

Nanindigan si Adiong na hindi nagtutugma ang detalye ng mga pahayag ni Co kayat mahirap itong paniwalaan.

Naniniwala ang mambabatas na kailangan na mag focus ang imbestigasyon ng ICI sa katotohanan at sa mga nakalatag na ebidensya.