-- Advertisements --

CEBU CITY – Kinumpirma ng BAYAN-Central Visayas na inaresto sa mga pulis ang ilan sa mga nag-protesta sa harap ng University of the Philippines (UP)-Cebu Campus ngayong araw.

Ito’y kaugnay sa pagtutol ng grupo sa Anti-Terrorism Bill matapos itong napasa sa third and final reading sa Kongreso.

Kabilang sa mga dinakip ang Chairman ng Bayan Central Visayas na si Jaime Paglinawan at iba pang mga kasamahan nito.

Nilinaw naman ni Paglinawan na inihayag lang nila ang pagkadismaya hinggil sa biglaan umanong pagpasa sa naturang bill sa halip na gagawin umano sa mga namumunuan ng gobyerno ang iba pang mga gawain ngayong may hinaharap pa ring problema kaugnay sa coronavirus.

Ikinadismaya rin nito ang naging kahinatnan nila at ng kanilang activity lalung-lalo na na hindi umano nila alam kung ano ang nagawang kasalanan at ano ang kanilang nilabag.

Pansamantalang nakakustodiya ang inaresto sa lock-up cell sa Cebu City Police Office (CCPO) matapos na nilabag umano ng mga ito ang General Community Quarantine (GCQ) protocols.