-- Advertisements --

Inalis na ang ipinairal na tropical cyclone wind signal sa probinsya ng Cagayan.

Kasunod ito nang paglayo na ng bagyong Obet at inaasahang paglabas nito sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong araw.

Gayunman, umiiral pa rin ang signal number one (1) sa Batanes at Babuyan Islands.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 135 km sa kanluran timog kanluran ng Itbayat, Batanes.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 15 kph.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.