CEBU CITY – Patuloy ngayon na nakikipag-ugnayan ang Cebu City government sa Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) upang hilingin na pahintulutan ng makabiyahe ang mga Locally Stranded Individuals (LSI’s) pabalik sa kani-kanilang lugar.
Kaugnay nito, patuloy pa rin ang pagberipika sa status ng mga aplikasyon sa mga naka fill-up na ng form o mga nakapagsimula ng magproseso sa kanilang mga requirements.
Pinayuhan naman ang mga hindi pa nakapagproseso sa pagbisita o pagtawag sa kanilang barangay kung saan ito temporaryong naninirahan habang maari namang magpadala ng mensahe sa Facebook page ni Mayor Edgardo Labella ang mga nakapagsimula na.
Samantala, sa pinakahuling tala ng Department of Health-7, umabot na sa 8,771 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan nasa 4,964 ang mga nakarekober at 470 ang naitalang namatay.