-- Advertisements --

Nagkasundo ang lider ng Group of Seven na patawan ng panibagong sanctions ang Russia.

Ito ang isa sa mga natalakay ng mga lider ng Group of Seven sa ginawa nilang summit sa Hiroshima, Japan.

Ang nasabing hakbang ay para matigil na ang ginagawang pananakop ng Russia sa Ukraine.

Ang Group of Seven ay binubuo ng mga leader ng US, United Kingdom, Canada, France, Germany, Italy at Japan.

Inaasahan naman magtutungo sa Japan si Ukraine’s President Volodymyr Zelensky para hikayatin ang mga lider ng Group Seven na ituloy ang pagbibigay nila ng suporta.