Itutuloy na ng NBA ang mga laro sa araw ng Linggo (Manila time).
Ito ang naging resulta ng pag-uusap ng mga manlalaro at mga team owners kasunod nang naganap na pag-boycott ng mga laro bilang pagpapakita ng protesta.
Sinabi ni NBA Commissioner Adam Silver na nagkasundo sila na bumuo ng social justice coalition.
Binubuo ito ng mga representatives mula players, coaches, governor na siyang nakatutok sa iba’t ibang isyu gaya ng pagboto, promosyon ng civic engagement at pagsusulong ng makahulugang police at criminal justice reform.
Sa bawat lungsod na mayroong league franchise at may sariling arena ay makikipagtulungan ang mga ito sa mga local election officials para gawin ang nasabing pasilidad bilang voting locations para sa 2020 general election.
Lahat aniya ng 13 mga natitirang NBA teams sa playoffs ay kasama sa naging pag-uusap.
“We had a candid, impassioned and productive conversation yesterday between NBA players, coaches and team governors regarding next steps to further our collective efforts and actions in support of social justice and racial equality. Among others, the attendees included player and team representatives of all 13 teams in Orlando,” bahagi pa ng statement. “All parties agreed to resume NBA playoff games on Saturday, Aug. 29 (Sunday PH time) with the understanding that the league together with the players will work to enact the following commitments…”
Samantala ang araw na ito ay itinakda muna bilang practice day bago ang pagbabalik bukas ng playoffs.
Games Sunday:
Game 5: Bucks vs Magic (3-1)
Game 5: Thunder vs Rockets (2-2)
Game 5: Lakers vs Blazers (3-1)