-- Advertisements --

Temporaryong sususpendihin ng Philippine Basketball Association (PBA) ang nagaganap na 2021 Philippine Cup simula Agosto 4.

Ito ay dahil sa nalalapit na pagsasailalim ng National Capital Region (NCR) sa enhanced community quarantine simula Agosto 6 dahil sa pagtaas ng kaso ng Delta variant.

Hinihintay pa rin nila ang aprubal ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF EID) na kung maaari ilipat ang mga laro sa Lipa, Batangas.

Kasalukuyang ginaganap kasi ang mga laro sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.