MANILA – Nakapagtala pa ang Pilipinas ng mga dagdag na kaso ng mga sinasabing mas nakakahawang “variants of concern” ng COVID-19 virus na SARS-CoV-2. Pati na ng iniimbestigahan pang P.3 variant.
JUST IN: Philippines has detected additional cases of COVID-19 variants of concern (from UK, South Africa & Brazil) and P.3, which is a variant under investigation. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/MwjxRm2P9A
— Christian Yosores (@chrisyosores) April 10, 2021
“The Department of Health (DOH), the University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), and the University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH) today report the detection of one (1) P.1 variant case, 170 B.1.1.7 variant cases, 192 B.1.351 variant cases, and 19 P.3 variant cases among two (2) batches of 25 samples sequenced on March 28, and 1,336 samples sequenced between March 28 to April 8,” ayon sa DOH sa isang press release.
Kung maaalala, dalawang linggong nahinto ang DOHsa pagre-report ng mga kaso ng COVID-19 virus variants dahil sa kontaminasyon ng mga makinang ginagamit para sa “genome sequencing.”
“Nagkaroon ng contamination sa makinang ginagamit (for genome sequencing), so need ng preventive maintenance,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire noon March 31.
B.1.1.7 VARIANT
Ayon sa DOH, nadagdagan ng 170 ang bilang ng mga tinamaan ng B.1.1.7 variant.
Kabilang dito ang walong returning overseas Filipinos (ROFs), 119 local cases, 43 na patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan.
“Based on the case line list, 2 cases have died and 168 cases have recovered.”
Kung maaalala, unang nadiskubre ang B.1.1.7 variant sa United Kingdom.
Mayroon itong taglay na N501Y mutation, kaya sinasabing mas nakakahawa ito kumpara sa orihinal na anyo ng virus.
Tinatayang 393 na ang kabuuang bilang ng B.1.1.7 variant cases sa bansa.
B.1.351 VARIANT
Nasa 192 indibidwal naman ang sinasabing tinamaan ng isa pang variant of concern na B.1.351.
Una itong natuklasan sa South Africa, at mayroong kaparehong mutation ng sa B.1.1.7. Bukod dito, taglay rin daw ng B.1.351 variant ang E484K mutation na may kakayahang babaan ang bisa ng mga bakuna.
Batay sa datos ng DOH, isa sa mga bagong kaso ng B.1.351 ang ROF. Nasa 143 naman ang local case, at 48 ang bini-beripika pa.
“Based on the case line list, 2 cases are still active, 3 cases have died, and 187 cases have recovered.”
Nasa 344 na ang kabuuang bilang ng tinamaan ng B.1.351 variant.
P.1 VARIANT
Samantala, isang ROF din ang natukoy na tinamaan ng P.1 variant.
Ayon sa DOH, galing Brazil ang naturang Pilipino at may address na SOCCSKSARGEN.
Sa ngayon, aktibong kaso raw ang naturang returning overseas Filipino.
Unang nadiskubre ang P.1 variant sa Brazil, na taglay rin ang mutations na N501Y at E484K.
Sa ngayon dalawa na ang naitatalang kaso ng P.1 variant sa bansa.
P.3 VARIANT
Nakapagtala rin ang mga ahensya ng 19 na bagong kaso ng P.3. Ang variant ng COVID-19 na unang natagpuan sa Pilipinas.
Kabilang daw sa mga bagong tinamaan ang dalawang ROF, 10 local cases, at pitong inaalam pa kung galing din sa ibang bansa o dito sa bansa nahawaan.
“All cases are recovered.”
Mayroon nang kabuuan na 123 kaso ng P.3 variant sa bansa.
Una nang sinabi ng DOH na sa ngayon maituturing pa lang na “variant under investigation” ang P.3 variant.
Ito’y kahit nakitaan ito ng parehong katangian sa tatlong variants of concern ng virus.
Ang World Health Organization raw ang mag-aanunsyo kung maituturing na rin bang variant of concern ang P.3.
Kamakailan nang aminin ng Health department na ilang eksperto ng WHO ang nasa bansa para pag-aralan ang P.3 variant.
“With the increasing number of variant cases being detected, the DOH reiterates that alongside the PDITR strategies being implemented by the government and the imposition of the Enhanced Community Quarantine to reduce contact rate and limit the spread of variants, strict and consistent adherence to the minimum public health standards and increased support for the National Vaccination Program will significantly mitigate transmission of COVID-19.”