-- Advertisements --
Hinikayat ni Philippine National Police (PNP) chief General Rodolfo Azurin Jr ang paaralan na kung maari ay payagang makapasok ang kapulisan sa mga bisinidad ng mga paaralan.
Sa nasabing hakbang aniya ay mababawasan ang krimen na nagaganap sa loob at labas ng mga paaralan.
Reaksyon ito ng PNP chief sa naganap na pananaksak ng mag-aaral sa kapwa nito sa Culiat High School sa Quezon City na ikinasawi ng 13-anyos na mag-aaral.
Aatasan na niya ang kaniyang kapulisan na magkaroon ng presensya sa mga paaralan sa buong bansa para maiwasan na ang anumang krimen sa loob at labas ng paaralan.
















