-- Advertisements --
Hinikayat ng Malacañang ang mga manufacturers ng mga paputok na maghanap muna ng ibang pagkakakitaan matapos ipag-utos ni Pangulong Duterte ang pagbabawal sa paputok simula sa Disyembre 2021.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, binigyan na umano ng warning ng pangulo ang mga gumagawa ng paputok na humanap muna ng ibang hanapbuhay.
Kailangan aniya na alalahanin din ang mga taong nakalalay lamang ang kinikita sa paggawa ng paputok.
Sinabi kagabi ng pangulo na kinokonsidera nito ang pagdedeklara ng total ban sa paggamit ng paputok sa susunod na taon, kapareho ito ng ipinapatupad ngayon sa Davao City.