-- Advertisements --
Pumalo na sa 837 na mga Filipino na nasa ibang bansa ang nadapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), 88 dito ay naitala nitong Biyernes.
Karamihan sa mga dito ay galing sa Asia Pacific Region, America, Europe, Middle East at Africa.
Tiniyak naman ng DFA na mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa mga bansa kung saan naroon ang mga Filipino na nadapuan ng virus.