EU Brexit
EU prostesters

Mapipilitang palayasin sa United Kingdom ang mga European Union citizens kapag naipatupad na ang no-deal Brexit.

Ayon kay security minister Brandon Lewis, maari lamang manatil ang mga EU citizens sa UK kapag nakapag-apply sila ng residency status hanggang sa katapusan ng 2020.

Mahigpit nila aniyang ipapatupad ang kasalukuyang immigration rules.

Aabot kasi sa 1 million ng kabuuang 3 million EU citizens na nasa UK ang hindi pa nakapag-apply ng kanilang residency.