-- Advertisements --

Magpapatupad ng mga hakbang ang Department of Education (DepEd) upang maihanda ang mga mag-aaral sa aspetong psychosocial.

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, ito raw ay para makapag-adjust ang mga estudyante sa panibagong learning environment na dulot ng coronavirus crisis.

Isinasailalim na rin aniya sa briefing ang mga guro upang matulungan ang kanilang estudyante “psychosocially” bunsod ng sapilitang pagbabago ukol sa pagpasok sa mga paaralan.

“The first week [of classes] will be largely focusing on psychosocial preparation of the learners,” wika ni Briones.

“This will have a profound impact. Our learners are not going to learn the way you were taught or the way I was taught,” dagdag nito.

Una nang sinabi ng ahensya na sa Agosto 24 na mag-uumpisa ang klase pero maaari namang magbukas ang ibang mga pribadong eskuwelahan sa Hunyo.

Ito raw ay basta’t hindi magsasagawa ng “face-to-face” learning at sa halip ay sa online na lang gaganapin.