-- Advertisements --

Humihingi ng $17 milyong ransom ang mga armadong suspek na dumukot sa 17 American at Canadian missionaries sa Haiti.

Sinabi ni Haitian Justice Minister Liszt Quitel na mayroong tig-$1-M sa bawat ulo na dinukot ng mga grupo na tinawag na powerful “400 Mawozo” gang.

Magugunitang isinagawa ng mga suspek ang pagdukot sa main road ng Ganthier.

Kinabibilangan ng limang lalaki, pitong babae at limang bata na ang pinakabata ay dalawang taong gulang lamang.

Nagtatrabaho ang mga ito sa Christian Aids Ministries, isang non-profit missionary organisation na nakabase sa Ohio, US.

-- Advertisement --

Kasama ng mga Haitian police ang FBI para sa pagligtas sa mga dinukot na mga biktima.